Thursday, May 17, 2007

Kwentong bakasyonista 1

Ngayon pa lang...pasensya na kung magulo at mali-maling grammar ang magagamit ko. Gusto ko lang ng Tagalog na entry. Kung may English man, hindi dahil sa maarte ako, tinatamad lang talaga ako mag isip ng malalim. Hahaha. :D

Mabilis lang pala ang dalawang linggo. Pero sabi namin mag kakapatid, mas maganda na siguro...konting tagal pa at mag papaiwan na kami dun kung nagkataon. Hay. Marami akong napansin na nakakatuwa/nakakatawa sa Pilipinas. Kwento ko na lang:

- Sobrang init. Hindi ko natiis na mag pantalon. Siguro dalawang beses lang: nung nag commute at sumakay ng jeep at nung naubusan ako ng damit. Haha. Masakit din talaga sa ulo na papalit-palit pag galing sa mall/kotse/airconditioned na lugar tapos biglang labas.

- Traffic. Ayaw ko nang mag reklamo pag nag-antay ako dito ng 10 minutes. Wala pala yun kumpara sa kalahating oras o mas matagal pa.

- Mandatory na pagkapkap at pag tingin sa mga bag ng mga guards sa mall. Medyo nakakailang kasi kahit na wala naman akong tinatago, parang kinakabahan ako. Haha.

- Sobrang friendly na saleslady/men (?). Tuwing babati sila, napapabati rin ako. Napapasagot din ako tuwing mag o-offer ng bedsheets, school bag, sapatos at kung ano ano pa. Lalo yatang halata na di kami talaga nakatira sa Pilipinas kasi di naman sila pinapansin ng lahat.

- Hanga ako sa lahat ng marunong mag drive. Minsan napapa-pikit na lang ako sa sobrang nerbyos ko. Nakakagulat yung mga motor na bigla na lang sumusulpot kung saan saan at yung mga tao na hindi tumitingin habang tumatawid.

Marami pa sana pero sa susunod ulit. Baliktad pa kasi yung oras na sinusunod ng katawan ko hanggang ngayon. Alas tres pa lang umaga...gising na gising na ako. Kasi kung sa Pilipinas, nag hahanda na ako para umalis o di kaya para antayin yung mga kaibigan ko.

Basta, miss ko na Pilipinas.

No comments: