- Nakaka-adik mag text. Nung una, nakikihiram lang ako ng cellphone, hirap na hirap pumindot. Pagkatapos ng isang linggo, ako na yung nakahawak dun sa cellphone at halos mapudpod na yung daliri ko. Mabilis din maubos ang 100 na load...buti na lang nadiskubre ko na may 35 pesos na unlimited. Nakasanayan ko na rin magtanong ng: Globe ka ba or Smart? Syempre Smart.
- Masarap yung halo-halo sa Chowking. May pinagbilhan kami na una dahil sa sobrang excitement namin kaso puro yelo lang.
- Paborito ko pa rin ang Jollibee. Kahit na napaso yung dila ko sa Peach Mango pie, okay lang.
- Ang ganda pa rin ng view sa Tagaytay. Kahit na "Under Construction" yung ibang lugar, naaliw pa rin ako. Dati nagsawa ako sa kakapunta dun, kaya naman laking tuwa ko nung biglang naisipan ng mga kaibigan ko na dalhin ulit ako dun. Pumayat yata ako lalo nung naglakad kami sa isang trail.
- Ngayon lang ako nakainom ng beer (Red Horse) na kailangan ng chaser (iced tea). Sabi nila sa susunod daw bawal matulog pag kasama ang mga kaibigan. Kasi pag gising mo, may picture ka na sa mga cellphone nila na nakabukas yung bibig at baka may uling ka pa sa mukha kung talagang swerte ka. Lalo tuloy dumami pimples ko. Argh!
- Ang daming pagkain lagi. Iba ang ulam sa tanghali at sa gabi. Kala ko nga tataba na ako. Sayang. Sinisisi ko yung taong ginawa akong paranoid at paulit ulit na sinabing baka mag-tae ako. Errr.
***
Hindi ko na ulit paaabutin na halos isang dekada bago ako maka-balik ulit sa Pilipinas. Kahit madami akong reklamo (init, traffic, at mga lamok na paborito akong kagatin), mahal ko pa rin ang Pilipinas. Hehehe. Ang drama.
Sa ngayon:
- makikinig na lang ako ng tribute sa Apo Hiking Society at sa Eraserheads
- kakanta na lang din ako sa Magic Mic namin at susubukan ang bagong bili na chip
- uubusin ko na lang ang pastillas, polvoron at kung ano ano pang pagkain na pinagbibili namin sa SM
- pupunuin ko na lang ang album ko sa mga ilang daan na pictures
- susulat na lang ulit ako sa mga kaibigan kong nagpuyat, gumastos at ginawang masaya ang bakasyon naming mag kakapatid
Dapat talaga nag aaral na ako.
Siguro sa susunod, balik na sa English.
Nahirapan akong bumuo ng English sentence habang nasa Pilipinas ako. Muntik ko nang masabi "if it's okay with you", habang nag papaalam sa trabaho kung pwede bang July imbis na June ako mag sisimula. Errr.
4 comments:
Waah! Welcome to the Philippines! xD
sounds like you're having fun! so much fun and i'm jealous! hehehe.
pasalubong!
thanks angeli..i just left a week ago. :(
i didn't have a chance to buy anyone pasalubong. haha. it's kinda sad. eek. :P
good to know na despite the traffic, the heat, and the kaguluhan that is Manila, you enjoyed your stay in RP. :)
Post a Comment